Inilabas kamakailan ng National Development and Reform Commission at State Oceanic Administration ng Tsina ang dokumento hinggil sa mga ideya sa kooperasyong pandagat sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative.
Sa dokumentong ito, iniharap ng Tsina ang mungkahi hinggil sa pagtatatag ng tatlong marine economic corridor, na kinabibilangan ng China-Indian Ocean-Africa-Mediterranean Sea Corridor, China-Oceania-South Pacific Corridor, at Arctic Ocean-Europe Corridor.
Iminungkahi rin ng Tsina, na sa ilalim ng pagpapaunlad ng marine economy, maaring palakasin ng iba't ibang bansa sa kahabaan ng 21st-Century Maritime Silk Road, ang kooperasyon sa mga aspekto ng pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ng dagat, pagsasakatuparan ng konektibidad sa dagat, paggarantiya sa seguridad sa dagat, pagpapalalim ng pananaliksik na may kinalaman sa dagat, magkakasamang paglahok sa pangangasiwa sa dagat, at iba pa.
Salin: Liu Kai