Nag-usap Martes, Hunyo 27, 2017 sa Dalian sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at kanyang counterpart na si Juha Sipilä ng Finland na dumadalo sa 2017 Summer Davos Forum sa Dalian.
Ipinahayag ni Li na dapat pahigpitin ng dalawang panig ang mga aktuwal na kooperasyon sa mga larangan na gaya ng pangangalaga sa kapaligiran, high-tek, palakasan, tele-komunikasyon, intelligent manufacturing, turismo at abiyasyong pansibilyan.
Sumang-ayon naman si Juha Sipilä sa pahayag ni Li hinggil sa kooperasyon ng dalawang bansa. Sinabi pa niyang winewelkam ng kanyang bansa ang pamumuhunan at paglalakbay ng mga mamamayang Tsino.