Nag-usap Martes, Hunyo 27, 2017 sa Dalian sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at kanyang counterpart na si Stefan Löfven ng Sweden na dumadalo sa 2017 Summer Davos Forum sa Dalian.
Ipinahayag ni Li na nakahanda ang panig Tsino na iugnay, kasama ng Sweden, ang mga estratehiya ng pag-unlad ng dalawang bansa, pasulungin ang mga kooperasyon sa iba't ibang larangan, palalimin ang pagkaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa, at pahigpitin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga isyung pandaigdig.
Ipinahayag naman ni Stefan Löfven na maganda ang kasalukuyang kalagayan ng relasyon ng dalawang bansa. Pinapurihan niya ang mahalagang papel ng Tsina sa mga isyung pandaigdig. Nakahanda aniya siyang ibayo pang pasulungin, kasama ng Tsina, ang mga bilateral at aktuwal na kooperasyon at pahigpitin ang pag-uugnayan at pagkokoordinahan sa mga multilateral na isyu.