Kaugnay ng pagpapalabas ng Britanya ng "Semi-annual Report on Hong Kong," sinabi nitong Biyernes, Pebrero 24, 2017, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Hong Kong ay espesyal na rehiyong administratibo ng Tsina, at ang suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina. Hinihiling aniya ng panig Tsino sa panig Britaniko na huwag ilabas ang kaukulang ulat, at itigil ang panghihimasok sa suliranin ng Hong Kong.
Ani Geng, palagian at buong tatag na tinututulan ng Tsina ang regular na pagpapalabas ng pamahalaang Britaniko ng umano'y "Semi-annual Report on Hong Kong" makaraang bumalik ang Hong Kong sa inangbayan.
Salin: Li Feng