Sa preskon kahapon pagkatapos ng dalawang-araw na G7 Summit, sinabi ni Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya na kailangang makipagtulungan ang G7 sa Rusya para malutas ang mga isyung pandaigdig na gaya ng isyung nuklear ng Iran at krisis sa Syria. Ipinahayag din ni Merkel na kung patuloy na ipapataw at pag-iibayuhin o hindi nila ang sangsyon laban sa Rusya ay depende sa kung ganap na matutupad ng huli ang bagong Minsk Agreement.
Bilang tugon, sinabi ni Dmitry Peskov, Tagapagsalita ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na ang G7 ay hindi pinakamagandang mekanismo para mabisang talakayin ang hinggil sa mga isyung pandaigdig. Kaugnay ng nabanggit na sangsyon ni Merkel sa Rusya, sinabi ni Preskov na wala itong pagbabago kumpara sa dating katulad na pananalita ng G7.
Sa magkasanib na pahayag pagkaraan ng summit, nanawagan ang G7 sa mga may kinalamang panig na komprehensibong tupdin ang bagong Minsk Agreement. Narating ang kasunduang ito ng Rusya, Pransya, Alemanya, at Ukraine noong nagdaang Pebrero para malutas ang krisis sa Ukraine.
Ipinahayag kamakailan ni Putin ang panawagan sa lubusang pagpapatupad sa nasabing kasunduan.
Salin: Jade