Ayon sa website ng Pangulong Ruso noong Sabado, Disyembre 26, 2015, hinirang ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya si Boris Gryzlov, Pirmihang Kagawad ng Pulong na Panseguridad ng Pederasyong Ruso, bilang kinatawan ng liasion group sa isyu ng Ukraine.
Ipinahayag nang araw ring iyon ni Boris Gryzlov na sa talastasan, komprehensibong tutupdin ng panig Ruso ang Kasunduan ng Minsk. Ito aniya ay tanging paraan para mabigyang-wakas ang sagupaan, mapanumbalik ang normal na pamumuhay sa dakong silangan ng Ukraine, at maigarantiya ang karapatan ng lahat ng mga mamamayan doon. Dagdag pa niya, nakahanda ang panig Ruso na makipagdiyalogo sa mga kinatawan ng dalawang nagsasagupaang panig ng Ukraine para magkaroon ng kinakailangang kompromiso.
Salin: Li Feng