|
||||||||
|
||
MAMAMAYAN NASA LIKOD NI PANGULONG DUTERTE. Ayon kay political analyst Ramon Casiple, maraming mga mamamayan ang sumusuporta at naniniwala kay Pangulong Duterte na magdiriwang ng unang taon sa panguluhan sa Biyernes. (Melo M. Acuna)
NANINIWALA ang political analyst na si G. Ramon Casiple na maraming mga Filipino ang naniniwala sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdiriwang ng kanyang unang taon sa panguluhan.
Ang suporta ng mga mamamayan ay sa likod ng walang humpay na kampanya laban sa illegal drugs.
FOOD SECURITY MAHALAGA. Naniniwala naman si Ateneo School of Government Dean Ronald U. Mendoza na angkop na big yang-diin ang isyu ng food security sapagkat mahihirap ang makikinabang sa programang ito.
Sa idinaos na Wednesday Roundtable @ Lido kaninang umaga, sinabi ni Dr. Ronald U. Mendoza, dekano ng Ateneo School of Government na isa sa mga magandang nagawa ng pamahalaan ay ang pagtutuon sa food security. Ginagawa umano ni Cabinet Secretary Leoncio B. Evasco, Jr. (ang lahat) upang ituwid ang kakulangan sa palatuntunan at ginagawa ng National Food Authority at dito niya nakakabangga ang mabibigat na interes.
Kung magaganap ang pag-aayos ng National Food Authority, higit na makikinabang ang mga mahihirap na mamamayan, dagdag pa ni G. Mendoza.
FOREIGN POLICY, TAMA. Ang pagkakaroon ng independent foreign policy ay malahaga. Lyon kay UP Professor Aileen Baviera, ang pagkakaroon ng mas malalapit na kaibigan ay makatutulong sa bansa at mga mamamayan. (Melo M. Acuna)
Ipinaliwanag naman ni Prof. Aileen San Pablo Baviera na malaki ang pagbabagong naganap sa larangan ng ugnayang panglabas sa pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa Tsina, Russia, Japan at mga bansa sa ASEAN. Malaking bagay umano ito at huwag lamang malilimutan ang mga dati nang kaibigan tulad ng Estados Unidos.
MATAAS NA RATING NG PANGULO, TAMA. Sa daigdig ng kalakal, sinabi ni G. Sergio Ortiz-Luis, Jr. na maganda ang takbo ng pamahalaan at tigit na madaragdagan ang foreign direct investments sa liderato ni G. Rodrigo Duterte. (Melo M. Acuna)
Sa panig ni G. Sergio Ortiz-Luis, Jr., sinabi niyang hindi niya inakalang dadagsa ang kapital mula sa Tsina. Hindi umano makakamtan ito ng ga Pilipinas mula sa mga bansang kaibigan sa Europa at America sa loob ng lima o sampung taon.
Isang problemang nararapat malutas ay ang kahirapan ng iba't ibang rehiyon sapagkat may 60% ng Gross Domestic Product ang mula sa Calabarzon, National Capital Region at Central Luzon. Hindi umano sapat na magkaroon ng mga pagawaing bayan sapagkat nararapat maliwanag kung saan ilalagay at kung bakit maglalagay ng pagawaing-bayan sa iba't ibang bahagi ng bansa, dagdag pa ni Dean Mendoza.
Maganda na umano ang takbo ng Mindanao naganap lamang ang labanan sa Marawi City. Umaasa ang mga nagbahagi ng kanilang pananaw sa liderato ni Pangulong Duterte na huwag na sanang lumago pa ang kaguluhan.
Kailangan ding magkaroon ng matatag na pangmatagalang balak at programa para sa bansa na singtibay ng mga institusyon. Walang silbi ang economic reforms kung hindi magkakaroon ng pagbabago sa larangan ng politika, dagdag pa ni G. Casiple sapagkat walang makitang matibay na political parties sa bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |