PINAG-TANGKAANG ipagtanggol ni Director General Ronald Dela Rosa ang kanyang tanggapan sa mga batikos hinggil sa mga pabuyang ibinibigay sa mga pulis na papatay ng mga taong may kinalaman sa droga.
Idinagdag pa ni G. dela Rosa na mga pulis sila at hindi sindikato. Lumabas ang balitang isang "killing machine" ni Pangulong Duterte ang mga pulis. Inamin niyang hindi pa natatanggap ang sipi ng ulat. Itinanggi niya ang report na ilang mga pulis ang nagtatanim ng droga at sandata sa mga suspect.
Hindi umano kinokonsinte ng kanyang tanggapan ang mga pagpatay na ginawa ng mga vigilante.