|
||||||||
|
||
PORMAL na nagreklamo si Atty. Jude Sabio laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court kasama na ang ilang mga opisyal ng pamahalaan. Inakusahan ni Atty. Sabio ang grupo ni Pangulong Duterte ng "crimes against humanity" sa isang malawakang kampanya laban sa illegal drugs.
Sa isang 77-pahinang reklamo na nagsabing paulit-ulit, walang pagbabago at patuloy na lumabag sa batas sapagkat sa ilalim ng kanyang liderato, ang pagpatay sa mga drug suspect at iba pang mga criminal ang sinasabing magandang pamantayan.
Si Atty. Sabio ang abogado ni Edgar Matobato, isang umaming kasama ng isang hit squad na kumilos sa ilalim ng kautusan ni dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa serye ng pagdinig sa Senado.
Ito ang kauna-unahang akusasyon laban kay Pangulong Duterte na nakarating sa ICC at nagmula sa pahayag ni G. Matobato at ng retiradong pulis na si Arturo Lascanas, mula sa human rights groups at media reports tulad na rin ng serye ng mga balita mula sa Reuters.
Kasama sa inireklamo ang 11 senior government officials na pinapanagot sa usaping murder at nanawagan ng masusing imbestigasyon at paglilitis.
Gawa-gawa lamang umano ang mga ulat na maraming napapaslang sa kampanya laban sa illegal drugs. Tumanggi si Pangulong Duterte sa mga akusasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, tagapagsalita ni Pangulong Duterte, sumusunod ang mga alagad ng batas sa standard operating procedures at ang mga lumalabag ay pinapanagot ayon sa batas.
Mula noong Hulyo ng 2002, nakatanggap na ang ICC ng higit sa 12,000 reklamo o mga komunikasyon. Siyam ang nauwi sa mga kasong nalitis at anima ng nagwakas sa hatol. Hindi naipatutupad ng ICC ang desisyon nito at ang hindi pagsunod sa kalakaran ay ipinararating sa United Nations at maging sa Assembly of States Parties. Mahaba ang proseso sa ICC at magdedesisyon muna kung mayroong jurisdiction at magdedesisyon kung magsasagawa ng panimulang pagsusuri. Makahihingi sila ng tulong sa isnag hukom na buksan ang isang opisyal ng imbestigasyon na maaaring masundan ng paglilitis.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |