HINDI totoong pawang mahihirap ang apektado sa kampanya laban sa illegal drugs ni Pangulong Duterte. Ipinagtanggol siya ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa pagsasabing matagumpay ang pamahalaan sa pagpapakulong sa isang big-time drug dealer.
Hindi pinangalanan ni Speaker Alvarez ang sinasabing bigtime drug dealer subalit posibleng pinatutungkulan si Senador Leila de Lima na dinakip sa kasong may kinalaman sa drug trade sa loob ng New Bilibid Prison samantalang siya ang Secretary of Justice.
Nakulong umano ang big-time drug lord sa pamamagitan ni Congressman Rey Umali at Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.
Ito ang kanyang sinabi sa isang pagtitipon at pagdiriwang ng PDP Laban kagabi sa Philippine International Convention Center.