Beijing — Pinagtibay Martes, Hulyo 4, 2017, ng mga kinatawan mula sa mga research funding agencies at organisasyong pandaigdig ng mahigit 30 bansa't rehiyon, ang magkakasanib na deklarasyong tinaguriang "Pagsuporta sa Kooperasyon ng mga Talentong Pansiyensiya, at Magkakasamang Paglikha ng Magandang Kinabukasan ng Belt and Road." Ito ay nakapagbigay ng malinaw na development road map para sa kooperasyong pansiyensiya sa "Belt and Road."
Sa pagtataguyod ng China National Natural Science Foundation (NSFC), idinaos nitong Linggo hanggang Martes ang pandaigdigang simposyum na pinagamatang "Pagsuporta sa Kooperasyon ng mga Talentong Pansiyensiya, at Magkakasamang Paglikha ng Magandang Kinabukasan ng Belt and Road." Lubos na sinang-ayunan ng mga kalahok ang mungkahing iniharap ng NSFC hinggil sa magkakasamang pagtatayo ng "Belt and Road." Ayon sa nasabing deklarasyon, buong pagkakaisang ipinalalagay ng iba't-ibang panig na sa ilalim ng Belt and Road framework, dapat magkakasama silang umaksyon upang mapasulong ang kooperasyong pandaigdig sa mga basic research, at dapat ding samantalahin ang pagkakataon para mapalalim ang kooperasyong pansiyensiya't panteknolohiya ng mga bansa't rehiyon sa kahabaan ng Belt and Road.
Salin: Li Feng