Beijing — Lumagda Hunyo 24, 2017, ang All China Lawyers Association (ACLA) at mga lawyers association ng mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road" na gaya ng India, Laos, Mongolia, Poland, at Thailand, sa Memorandum of Cooperation upang mapalakas ang pagtutulungan at pagpapalitan sa industriya ng abugasya. Ito ang isa pang mahalagang progresong natamo sa konstruksyon ng legal services network ng mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road."
Ipinahayag ni Wang Junfeng, Puno ng ACLA, na saklaw ng "Belt and Road" ang ilampung bansa sa Asia, Europa, at Aprika. Aniya, masalimuot ang kapaligirang pambatas ng iba't-ibang bansa, at iba't-iba ang kanilang sistemang pambatas. Kaya, ang pagpapalakas ng kooperasyon sa serbisyong pambatas sa nasabing mga bansa ay may mahalagang katuturan sa pagpapasulong ng pag-uugnayang pangkabuhayan at pangkalakalan ng iba't-ibang bansa, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng