|
||||||||
|
||
Moscow — Lumagda Martes, Hulyo 4, 2017, sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Sergei Lavrov ng Rusya, sa magkasanib na pahayag ng dalawang bansa tungkol sa isyu ng Korean Peninsula.
Anang pahayag, idineklara Hulyo 4 ng Hilagang Korea ang pagpapakawala ng ballistic missile. Ipinalalagay ng Tsina at Rusya na ito ay grabeng lumabag sa may-kinalamang resolusyon ng United Nations (UN) Security Council, at hindi ito tinatanggap ng dalawang bansa. Matindi ring hinimok ng dalawang bansa ang Hilagang Korea na tupdin ang kaukulang kahilingan ng resolusyon ng UNSC.
Sinabi pa ng pahayag na ikinababahala ng Tsina at Rusya ang situwasyon sa Korean Peninsula at rehiyong nakapaligid dito. Samantala, nanawagan din sila sa mga may-kinalamang bansa na magtimpi at ipakita ang mithiing magkaroon ng walang-pasubaling diyalogo para magkakasamang makapagbigay ng ambag sa pagpapahupa ng maigting na situwasyon.
Inulit din ng dalawang bansa na ang pagdedeploy ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) sa rehiyong Hilagang Silangang Asyano ay grabeng nakakapinsala sa estratehikong kapakanang panseguridad sa rehiyong ito na kinabibilangan ng Tsina at Rusya. Anila, hindi ito nakakatulong sa pagsasakatuparan ng target na "Korean Peninsula na Ligtas sa Sandatang Nuklear," at kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |