Isiniwalat sa Beijing Hunyo 19, 2017, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idaraos sa Beijing Hunyo 20, ang Ika-8 Mataas na Estratehikong Diyalogo ng mga Departamento ng Ugnayang Panlabas ng Tsina at Timog Korea na pangunguluhan nina Pangalawang Ministrong Panlabas Zhang Yesui ng Tsina at Unang Pangalawang Ministrong Panlabas Lim Sung-nam ng Timog Korea.
Ani Geng, ang kasalukuyang relasyon ng Tsina at Timog Korea ay nasa mahalagang panahon. Sa panahon ng nasabing diyalogo, magpapalitan aniya ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa relasyon ng dalawang bansa, at mga isyung kapwa nila pinahahalagahan na tulad ng situwasyon ng Korean Peninsula.
Salin: Li Feng