|
||||||||
|
||
Hamburg, Germany — Nangulo nitong Biyernes, Hulyo 7, 2017, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa di-pormal na pagtatagpo ng mga lider ng BRICS (Brazil, Russia, India, China, at South Africa), at bumigkas siya ng talumpati. Dumalo rito sina Pangulong Jacob Zuma ng Timog Aprika, Pangulong Michel Temer ng Brazil, Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, at Punong Ministro Narendra Modi ng India. Malalimang nagpalitan ng kuru-kuro ang mga lider tungkol sa kalagayang pampulitika at pangkabuhayan, at mga pangunahing tema ng G20. Narating nila ang mahalagang komong palagay hinggil sa pagpapalakas ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga bansang BRICS, magkakasamang pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig, pagpapabuti ng pagsasaayos sa kabuhayang pandaigdig, at pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad.
Sa talumpati, ipinag-diinan ni Pangulong Xi na dapat igiit ng mga bansang BRICS ang diwang nagpopokus ng pagbubukas, inclusiveness at win-win cooperation upang mapalakas ang pagkakaisa at pagtutulungan at mapangalagaan ang komong kapakanan.
Sinabi pa niya na pagkaraan ng dalawang buwan, gaganapin sa Xiamen, Tsina, ang pagtatagpo ng mga lider ng BRICS. Sa kasalukuyan, maalwan ang iba't-ibang paghahanda para sa pagtatagpong ito, dagdag pa niya.
Ipinalalagay ng mga kalahok na sa kasalukuyang kalagayan, dapat nila panatilihin ang mainam na tunguhin ng kooperasyong pampulitika, pangkabuhayan, at pangkultura para ibayo pang mapasulong ang kanilang pragmatikong kooperasyon sa iba't-ibang larangan at walang humpay na mapataas ang impluwensiya ng mga bansang BRICS. Hinahangaan din nila ang ginagawang pagsisikap ng Tsina sa pagtataguyod ng pagtatagpo sa Xiamen. Nakahanda silang magsikap kasama ng Tsina upang matamo ng pagtatagpo ang positibong bunga, anila pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |