Sa Hangzhou, Tsina-Kinatagpo rito Setyembre 5, 2016 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, na dumalo sa katatapos na Hangzhou G20 Summit. Binigyang-diin ni Pangulong Xi na bilang estratehikong magkatuwang, inaasahang mapapayaman at mapapalawak ng Tsina at Alemanya ang pagtutulungan ng dalawang bansa, tutupdin ang mga narating na kasunduan, at mapapasulung ang kooperasyon sa pamamagitan ng inobasyon. Ipagpapatuloy aniya ng Tsina ang pagsuporta sa proseso ng integrasyon ng Europa, at optimistiko ang Tsina sa kakayahan at katalinuan ng Europa sa harap ng ibat-ibang hamon. Tinukoy ng Pangulong Tsino na nagtagumpay ang Hangshou G20 Summit, batay sa magkakasamang pagsisikap ng ibat-ibang panig. Aniya, bilang punong-abala ng Hamburg G20 Summit sa taong 2017, nakahanda ang Tsina na palakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa Alemanya, para sa pagtatagumpay ng nasabing summit.
Ipinahayag naman ni Merkel ang pagbati sa natamong tagumpay ng Hangzhou G20 Summit. Aniya, ang paksa at natamong bunga ng Hangzhou G20 Summit ay iuugnay sa ideya ng Hamburg G20 Summit. Umaasa aniya ang Alemanya sa suporta mula sa Tsina, para sa preparasyon ng Hamburg Summit. Ani Chancellor Merkel, magsisikap ang Alemanya, kasama ng Tsina para pahigpitin ang mataas na pagpapalitan, palakasin ang pagtutulungan sa kabuhayan, kalakalan at pamumuhunan, palalimin ang people to people exchanges, at ibayong pasulungin ang relasyong Sino-Europeo.