Mula ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre, 2016, matagumpay na idinaos sa Hangzhou, Lalawigang Zhejiang ng Tsina, ang G20 Summit. Buong pagkakaisang inaprobahan ng mga lider ng iba't ibang kasaping bansa ng G20 ang pagpapatibay ng high-level principles hinggil sa paglaban sa korupsyon at pagtugis sa mga nakatakas na salarin at panunuhol, pagtatatag sa Tsina ng sentro ng pananaliksik ng G20 sa paglaban sa korupsyon at pagtugis sa mga nakatakas na salarin at panunuhol, pagbalangkas ng plano ng aksyon ng G20 sa paglaban sa korupsyon mula taong 2017 hanggang 2018, at iba pang suliranin.
Ang pagkakaroon ng nasabing mga bunga ay nagpapakita ng komong hangarin ng iba't ibang kasapi ng G20 sa pagpapalakas ng pragmatikong kooperasyon sa paglaban sa katiwalian, lalung lalo na, pagtugis sa mga nakatakas na salarin at panunuhol. Ito rin ang palatandaang pumasok na sa bagong yugto ng pag-unlad ang kooperasyon sa ganitong aspekto.
Salin: Vera