Sa katatapos na pulong ng mga ministrong pinansiyal at gobernador ng bangko sentral ng G20 sa Baden-Baden ng Alemanya, Sabado, Marso 18, 2017, inulit ng mga kalahok na bansa na dapat pahigpitin ang pandaigdigang kooperasyon sa kabuhayan at pinansiya para isakatuparan ang malakas, balance, at sustenableng paglaki ng kabuhayan.
Bukod dito, inulit din ng mga kalahok na bansa ang pagtutol sa vicious devaluation sa foreign exchange market.
Sa pulong na ito, tinalakay nila ang mga isyu na kinabibilangan ng pamumuhunan sa Aprika, estruktura ng pandaigdigang pinansiyal, pandaigdigang buwis, pag-unlad ng mga departamentong pinansiyal, at pangangasiwa at pagsusuperbisa sa mga suliraning pandaigdig.
Ipinalalagay nilang ipagpapatuloy ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig.