|
||||||||
|
||
BAGHDAD, Iraq--Sa paanyaya ng Pamahalaan ng Iraq, bumisita kahapon dito si Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina.
Sa magkakahiwalay na okasyon, kinatagpo ni Yang sina Pangulong Fuad Masum, Punong Ministro Haider al-Abadi, Ispiker ng Parliamento Salim al-Jubouri, at Ministrong Panlabas Bashar Jaafari ng Iraq.
Si Yang Jiechi (sa kaliwa), Kasangguni ng Estado ng Tsina habang nakikipag-usap kay Pangulong Fuad Masum (sa kanan) ng Iraq : Baghdad, noong ika-22 ng Marso, 2015.
Ipinahayag ni Yang ang kahandaan ng pamahalaang Tsino na katigan ang Iraq sa pangangalaga sa pagsasarili, pambansang rekonsilyasyon at rekonstruksyong pangkabuhayan. Ipinangako rin ni Yang na patuloy na magbibigay ang Tsina ng makataong tulong sa Iraq.
Sumang-ayon din ang dalawang panig na palakasin ang kanilang pagtutulungan sa larangan ng enerhiya, telekomunikasyon, agrikultura, at pananaliksik na pansiyensiya at panteknolohiya.
Photo source: Xinhua
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |