Pinagtibay kamakailan ni Punong Ministro Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam ang estratehiya ng pag-unlad ng pamilihan ng pagluluwas ng bigas ng bansa mula taong 2017 hanggang 2020, at pagtanaw sa taong 2030. Iniharap ng dokumento na hanggang taong 2030, magsisikap ito upang mapataas sa 4 milyong tonelada ang taunang bolyum ng pagluluwas ng bigas. Kasabay nito, pananatilihin ang matatag na paglaki ng kabuuang halaga ng pagluluwas, at daragdagan ang proporsyon ng direktang pagluluwas, at pagluluwas ng bigas na may tatak na ng Biyetnam.
Salin: Vera