Ayon sa estadistikang ipinalabas kamakailan ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Biyetnam, mula noong Enero hanggang Mayo ng taong ito, umabot sa mahigit 10.6 bilyong Dolyares ang halaga ng pagluluwas ng Biyetnam sa Tsina, at ito ay mas malaki nang 42% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Kabilang dito, ang pinakamalaking bahagi ng mga panindang iniluwas ng Biyetnam sa Tsina ay mga computer, produktong elektronikal, at mga piyesa ng mga ito. Mahigit sa 22 bilyong Dolyares ang halaga ng mga ito, na lumaki ng 102% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Salin: Liu Kai