Itinakda ng lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina ang plano hinggil sa pagtatatag ng mga transnasyonal na sona ng kooperasyong panturismo sa Biyetnam, Laos, at Myanmar.
Ito ay ulat na ipinalabas kahapon, Martes, ika-13 ng Hunyo 2017, ng Komite ng Pagpapaunlad ng Turismo ng lalawigang Yunnan.
Batay sa plano, itatatag ng Yunnan at naturang 3 bansa ang mga transnasyonal na sona ng kooperasyong panturismo, na bubuuin ng mga lugar na panturista ng iba't ibang bansa. Sa loob ng mga sonang ito, isasagawa ng mga may kinalamang bansa ang kooperasyon sa mga aspekto ng pagpapasimple ng mga prosidyur ng pagpasok-labas, konstruksyon ng mga imprastrukturang panturismo, pagkakaloob ng mga serbisyong panturista, pagdedebelop ng mga produktong panturismo, pangangasiwa sa kaligtasan ng mga turista, at iba pa.
Ayon pa rin sa nabanggit na komite, ang pagtatatag ng mga transnasyonal na sona ng kooperasyong panturismo ay para makaakit ng mas maraming turista sa mga may kinalamang bansa, at magkakasamang paunlarin ang turismo.
Salin: Liu Kai