Natapos Martes, Hulyo 11, 2017 sa Lunsod Erdos ng Inner Mongolia, Tsina ang "Looking China Youth Film Project."
Lumahok sa proyektong ito ang 5 personahe mula sa sirkulo ng pelikula ng Cambodia, Myanmar, Malaysia, Laos at Thailand. Gumawa rin sila ng limang maikling documentary sa loob ng sampung araw para ipakita ang tradisyonal na kultura, sining at kapaligiran ng Inner Mongolia.
Ang naturang proyekto ay magkasamang itinaguyod ng China Radio International, Beijing Normal University at Pamahalaan ng Erdos.