Sa regular na preskon noong ika-11 ng Hulyo, 2017, sinabi ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat tigilan na ang pagpapalutang ng umano'y "China responsibility theory" sa isyung nuklear ng Korean Peninsula.
Ang nukleo ng isyung nuklear ng Korean Peninsula ay di-pagkakaunawaan sa pagitan ng Hilagang Korea at Amerika, at sa katotohanan, ito ay isyu ng seguridad, ani Geng. Sinabi pa niyang ng Tsina ay hindi pokus ng nasabing usapin at hindi rin panig na nagpapasulong ng tensyon. Wala sa kamay ng Tsina ang susi sa paglutas sa isyu ng Korean Peninsula, aniya.
Gayunman, sinabi ni Geng na laging gumaganap ng positibo at konstruktibong papel ang Tsina para sa mapayapang paglutas ng isyung ito.
salin:lele