|
||||||||
|
||
Idinaos Biyernes, Hulyo 14, 2017 sa Jakarta ng Indonesia ang isang simposiyum hinggil sa relasyon ng Tsina at ASEAN. Ang simposiyum na ito ay magkasamang itinaguyod ng Mission ng Tsina sa ASEAN, at ASEAN Study Center ng University of Indonesia.
Sa seremonya ng pagbubukas, sinabi ni Xu Bu, Embahador Tsino sa ASEAN, na sapul nang itatag ng Tsina at ASEAN ang dialogue relations noong 1991, lumalalim ang relasyon ng dalawang panig sa mga larangan na gaya ng pulitika, kabuhayan, kalakalan, at kultura. Dagdag pa niya, natamo rin ng dalawang panig ang mga aktuwal na bunga sa kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Sinabi rin ni AKP Mochtan, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng Sekretaryat ng ASEAN, na ang Tsina ay isa sa mga pinakamahalagang partner ng ASEAN. Sinabi pa niyang mabunga ang kooperasyon ng dalawang panig sa mga larangan na gaya ng "Belt and Road" Initiative.
Umaasa aniya siyang ibayo pang pahihigpitin ng dalawang panig ang diyalogo, pagpapalitan ng kultura, at komunikasyon sa hinaharap.
Dumalo sa simposiyum na ito ang mahigit 120 opisyal, dalubhasa at kinatawan ng mga media ng Tsina at ASEAN.
Buong pagkakaisang ipinalalagay ng mga kalahok na dapat patuloy na pahigpitin ng Tsina at ASEAN ang mga kooperasyon para pasulungin ang magkasamang kasaganaan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |