Ipinatalastas noong Hulyo 17, 2017, Department of Health (DoH) na dahil sa sagupaan sa Marawi, 465 libong tao ang lumisan ng tahanan. Hinimok ng pamahalaan ang mga mamamayan na huwag munang bumalik sa Marawi para sa kanilang kaligtasan.
Nang araw ring iyon, isinalaysay ni Paulyn Jean Rosell-Ubial, Kalihim ng DoH na nitong 56 na araw sapul nang magsagupa ang tropang pampamahalaan at teroristang Maute, mahigit 20 libong nabiktimang mamamayan pansamantalang lumikas sa 87 evacuation center na itinatag ng pamahalaan. Samantala, 440 libong iba pa, ang hinahanap ng kanilang mga kamag-anakan.
salin:Lele