MALAKI ang posibilidad na may kinalaman ang mga Americano sa nagaganap sa Marawi City, sa Mindanao at sa iba pang bahagi ng daigdig na ginagalawan ng ISIS o Islamic State of Iraq and Syria.
Ipinaliwanag ni Anakpawis Congressman Ariel B. Casilao na maraming dokumento at balitang nagtuturo sa mga tauhan ng Central Intelligence Agency na nasa likod ng mga kaguluhan sa Gitnang Silangan na nakararating na sa ibang bahagi ng daigdig.
Hindi rin sila, sa kanilang grupong Makabayan, sang-ayon sa deklarasyon ng Martial Law sapagkat maliwanag sa kanilang hindi rebelyon o paghihimagsik ang pinag-ugatan ng pananalakay ng mga Maute at kasama na ang ilang mga Abu Sayyaf. Nagmula lamang umano ang gulo sa tradisyunal na rido – ang karaniwang paghihiganti ng mga pamilya sa kanilang mga kinikilalang kaaway.
Kung sila ang tatanungin kung marapat pa ang extension ng Martial Law, tututol pa rin ang kanilang grupo ng Makabayan sa Mababang Kapulungan.