Sa bisperas ng kauna-unahang Comprehensive Economic Dialogue ng Tsina at Amerika, idinaos kahapon, Martes, ika-18 ng Hulyo 2017, sa Washington DC, ang unang Summit ng mga Mangangalakal ng dalawang bansa.
Nagkaroon ng komong palagay ang mga kalahok na kinatawan ng mga bahay-kalakal na Tsino at Amerikano, hinggil sa pagbuo ng mekanismo ng taunang diyalogo ng mga mangangalakal ng dalawang bansa, at pagharap ng mga palagay sa kani-kanilang pamahalaan kaugnay ng mga mahalagang isyu. Ito anila ay para magkasamang harapin ang mga hamon sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, at pasulungin ang katatagan at kalusugan ng relasyon ng dalawang bansa.
Ipinangako rin ng mga kalahok, na patuloy na palalawakin ang bilateral na kalakalan at pamumuhunan ng Tsina at Amerika. Sinang-ayunan nilang palakasin ang pangangalaga sa karapatan ng pagmamay-ari ng likhang-isip, para pasiglahin ang inobasyon.
Salin: Liu Kai