|
||||||||
|
||
Inaprubahan Joint Session na isinagawa nitong Sabado, Hulyo 22, 2017, ng Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang kahilingan ni Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin hanggang katapusan ng kasalukuyang taon ang Martial Law sa buong Mindanao.
Pagkaraan ng pitong oras na debatehan at botohan, 261 mambabatas ang bumutong pabor habang 18 naman ang kumontra. Dahil dito, palalawigin hanggang Diyembre 31, 2017, ang 60 araw na Martial Law na sinimulang isagawa sa Mindanao mula noong Mayo 23.
Ayon kay Senador Gegorio Honasan, "legal at mabilis" na malulutas ng pagpapalawig sa Martial Law ang isyu ng terorismo sa Mindanao. Ito rin aniya ay makakatulong sa mabilis na pag-ahon at rekonstruksyon ng Marawi City.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |