|
||||||||
|
||
Ipinahayag Hulyo 18, 2017, ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na mapapalawig ang pag-iral ng Martial Law sa buong Mindanao hanggang katapusan ng kasalukuyang taon para tuluyang malupig ang mga terorista sa rehiyong ito.
Ayon kay Abella, ipinadala na nitong Lunes ng gabi ni Pangulong Duterte ang isang liham sa Kongreso na humihingi ng Martial Law extension. Ipinahayag niya na layunin ng Martial Law extension na ipagpatuloy ng tropa ang kasalukuyang operasyon at hindi naaantala ng anumang deadline.
Bukod dito, makakatulong din aniya ito para makapagpokus ang mga militar sa pagpapalaya ng Marawi City at para sa isasagawang rehabilitasyon at pagbangon ng lunsod mula sa giyera.
Ipinahayag naman nitong Martes ng Armed Force of the Philippines (AFP) na sa kasalukuyan, hindi pa tapos ang giyera sa Marawi. Kung mapapalawig ng lima pang buwan ang Martial Law, puwedeng malutas ang problemang ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |