|
||||||||
|
||
Ipinatalastas kahapon, Hulyo 24, 2017, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na idaraos sa Beijing sa darating na Huwebes at Biyernes, ang Ika-7 Meeting of BRICS Senior Representatives on Security Issues. Pangunguluhan ang pulong ni Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina. Ang BRICS ay binubuo ng Brazil, Rusya, India, CHina at South Africa.
Ayon kay Lu, ang nasabing pulong ay pangunahing plataporma kung saan pinag-uusapan at isinasagawa ng mga bansang BRICS ang kooperasyon sa larangang pampulitika at panseguridad. Ito aniya ay may mahalagang papel para sa pagpapalakas ng estratehikong pagsasanggunian ng mga bansang BRICS, pagpapalalimin ng pagtitiwalaang pulitikal, at pagpapataas ng impluwensiya sa mga suliraning pandaigdig.
Ipinahayag pa ni Lu ang pag-asa ng panig Tsino na ibayo pang mapangangalagaan ng nasabing pulong ang komong kapakanan at mapapasulong ang kooperasyon sa larangang pampulitika at panseguridad.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |