Hulyo 24, 2017—Sa magkasanib na pakikipagtagpo sa mga mamamahayag ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina at Thailand, sinabi ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina na, ang Daam-bakal sa pagitan ng Tsina at Thailand ay mahalagang proyektong pangkooperasyon ng dalawang bansa, at isa ring mahalagang proyekto ng konektibidad sa ilalim ng "Belt and Road" initiative .
Sinabi ni Wang na ang konstruksyon ng daambakal sa pagitan ng Thailand at Tsina ay hindi lamang makakatulong sa pagpapasulong ng kasaganaan, kundi makakabuti rin sa pagsasakatuparan ng Trans-Asian Railway (TAR). Ito ay angkop sa saligang interes ng mga mamamayan ng Thailand.
salin:Lele