Nag-usap kahapon, Hulyo 24, sina Wang Yi at Don Pramudwinai, mga ministrong panlabas ng Tsina at Thailand.
Ipinahayag ni Wang na buong tatag na isasagawa ng Tsina ang mapagkaibigang patakaran sa Thailand at ipinaabot ang paanyaya kay Haring Maha Vajiralongkorn na isagawa ang dalaw na pang-estado sa Tsina sa lalong madaling panahon at paanyaya rin kay Punong Ministrong Prayut Chan-ocha na lahukan sa diyalogo sa pagitan ng mga bansang BRICS, bagong-sibol na pamilihan at mga umuunlad na bansang idaraos sa Xiamen sa susunod na Setyembre.
Ipinahayag naman ni Pramudwinai na ang Tsina ay magandang kaibigan at komprehensibong estratehikong partner ng Thailand. Tapos-pusong pinasalamatan ng panig Thai ang imbitasyon ng Tsina sa hari at PM, aniya pa, nakahanda ang kanyang bansa na patuloy na panatilihin ang mahigpit na ugnayan sa Tsina sa iba't ibang antas at ibayo pang palakasin ang pagpapalitan ng mga mamamayan sa Tsina. Bukod dito, kinakatigan ng panig Thai ang pagpapalalim ng kooperasyong Sino-ASEAN, pagpapabilis ng talastasan sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at pagpapatingkad ang konstruktibong papel sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan ng South China Sea.