Sa news briefing Martes, Hulyo 25, 2017 sa Manila, tinalakay nina Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, at kanyang counterpart na si Alan Peter Cayetano ng Pilipinas, ang hinggil sa magkasamang pagagagalugad ng dalawang bansa sa South China Sea (SCS).
Sinabi ni Cateyano na dapat magkasamang pangalagaan ng dalawang bansa ang katatagan at kapayapaan sa SCS.
Sinabi rin niyang sa pamumuno ng mga lider ng Pilipinas at Tsina, maaring mahanap ng dalawang bansa ang isang mainam na paraan sa magkasamang paggagalugad sa SCS. Ito aniya ay magdudulot ng aktuwal na kapakanan sa kanilang mga mamamayan.
Kaugnay nito, sinabi ni Wang Yi na sa mga lugar na pinaghihidwaan ng dalawang panig, kung isasagawa ng isang panig ang unilateral na aksyon, at isasagawa ng ibang panig ang katugong hakbangin, ito'y magpapasalimuot ng kalagayan ng SCS.
Ito'y magpapaigting ng tensyon sa SCS at sa wakas, makakapinsala sa kapakanan ng dalawang panig, dagdag ni Wang.
Aniya, ang magkasamang paggagalugad ay isang komong prinsipyo at kaayusan na tatanggapin ng dalawang panig.
Sinabi rin ni Wang na dapat isagawa ng dalawang panig ang kapasiyahan sa lalong madaling panahon para makinabang ang mga mamamayan ng dalawang bansa.