Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina at Pilipinas, matagumpay na nagkaroon ng unang pulong hinggil sa South China Sea

(GMT+08:00) 2017-05-19 23:03:08       CRI

Mayo 19, 2017, sa Guiyang, Tsina, matapos ang First Meeting of the China-Philippines Bilateral Consultation Mechanism (BCM) on the South China Sea, inilabas ang magkasamang pahayag para sa mga mamamahayag.

Magkasamang nangulo sa pulong sina Liu Zhenmin, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, at Jose Santiago Sta. Romana, Embahador ng Pilipinas sa Tsina.

Sinipi ng nabanggit na pahayag ang mahalagang usaping tinalakay sa pulong.

Anang pahayag, sinang-ayunan ng kapwa panig na patuloy na talakayin ang hinggil sa mga hakbangin ng pagtatatag ng pagtitiwalaan, para palakasin ang tiwala at pananalig sa isa't isa. Ipinangako rin nila ang pagtitimpi sa mga aksyon sa South China Sea, para hindi maging masalimuot at masidhi ang mga hidwaan, at para iwasan ang mga negatibong epekto sa kapayapaan at katatagan. Para rito, makabuluhan ang pagtatatag ng Bilateral Consultation Mechanism (BCM), bilang karagdagan sa mga iba pang mekanismo, at hindi ito makakaapekto sa nabanggit. Sa pamamagitan ng BCM na ito, puwedeng isagawa ng Tsina at Pilipinas ang regular na pulong hinggil sa mga isyu sa South China Sea na pinahahalagahan nila, at puwede ring talakayin ang hinggil sa kooperasyon sa mga iba pang aspekto.

Anang pahayag, binalik-tanaw ng kapwa panig ang kani-kanilang mga karanasan sa isyu ng South China Sea. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa mga isyung pinahahalagahan ng isa't isa. Sinang-ayunan nilang ibayo pang talakayin ang mga paraang katanggap-tanggap ng kapwa panig para sa paghawak ng mga isyung ito. Tinalakay din nila ang pagpapasulong ng pragmatikong kooperasyong pandagat sa susunod na yugto, at posibilidad ng pagtatatag ng mga may kinalamang technical working group.

Ayon pa sa pahayag, upang lumikha ng magandang atmospera para sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino, at walang sagabal na pagsusulong ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang aspekto, nagpalitan ng palagay ang dalawang panig hinggil sa kahalagahan ng pagharap sa mga usapin sa South China Sea, at maayos na paghawak ng mga insidente at hidwaan sa karagatang ito.

Sa kanya namang pahayag sa media matapos ang pulong, sinabi ni Embahador Sta. Romana, na naging matapat at diretsahang tinalakay ng panig Pilipino at Tsino ang mga isyung pinagtatalunan sa South China Sea.

Si Amba. Sta. Romana habang kinakapanayam ng mga mamamahayag

"Pinag-usapan namin ang mga isyung may kinalaman sa Spratlys, Scarborough Shoal, arbitration, pero hindi kami nagbigay ng labis na panahon sa mga ito."

Dagdag niya, sinusubukan ng dalawang panig na likhain ang mga kondisyon na makakatulong na lumikha ng mutuwal na paggagalangan at kumpiyansa.

"Nais kong idagdag ay kahit aming tinalakay ang mga pagkakaiba nagkaroon naman ng komong pagkakasundo upang hanapin ang mga paraan para sa kooperasyong pandagat dahil ang ilan sa mga pagkakaiba, partikular sa isyu ng kasarinlan, isyu ng karapatang pandagat, at maging ang isyu ng Tribunal Award, at kakailanganin ang oras para maresolba."

Isa pang punto na ibinahagi ni Amb. Sta. Romana na mahalagang maunawaan ang pinanggagalingan ng bawat panig at ito ay isang mabuting hakbang sa pagtatag ng mas mainam na pundasyon para sa ugnayan ng dalawang bansa.

Ipinalalagay din ni Amb. Sta. Romana, na ang pagkakaiba sa pagitan ng Pilipinas at Tsina ay hindi lumilitaw sa loob lang ng isang gabi, at hindi rin malulutas ang mga ito sa loob ng isang sesyon.

Ayon pa sa pahayag, sinang-ayunan ng kapwa panig na gawin ang BCM bilang plataporma para sa mga hakbangin ng pagtatatag ng pagtitiwalaan, at pagpapasulong ng kooperasyon at seguridad na pandagat. Ang mekanismong ito ay bubuuin ng parehong bilang ng mga opisyal mula sa mga departamento ng ugnayang panlabas at ahensiyang namamahala sa mga suliraning pandagat. Salitang magpupulong sila sa Tsina at Pilipinas kada anim na buwan.

Ang susunod na pulong ay inaasahang idaraos sa Pilipinas sa loob ng taong ito.

Ulat: Mac Ramos at Liu Kai
Editor: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>