MANILA, Hulyo 25, 2017--Kinatagpo ni Pangulong Rodrigo Duterte si Wang Yi, dumadalaw na Ministrong Panlabas ng Tsina.
Ipinahayag ni Duterte na lubos na pinahahalagahan ng Pilipinas ang status at impluwensya ng Tsina sa daigdig, at nakahandang na itatag ang mas mahigpit na relasyon ng Pilipinas at Tsina. Pinapurihan aniya ang Tsina na gumaganap ng positibong papel para sa pagpapaunlad at konstruksyon ng Pilipinas. Pinasalamatan rin niya ang pagkatig at pagtulong ng Tsina para sa pakikipagdigma ng pamahalaan ng Pilipinas sa terorismo.
Pinarating ni Wang ang pagbati ni pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Duterte. Inulit ni Wang na matatag na kumakatig ang Tsina sa pagsasagawa ng Pilipinas ng nagsasariling patakarang panlabas, aniya, ito ang isang landas na angkop sa aktuwal na kalagayan ng Pilipinas.
Salin: Lele