|
||||||||
|
||
Kamakaila'y iniharap ng Pilipinas ang plano ng pag-unlad ng kabuhayan na ang sentro ay malawakang konstruksyon ng imprastruktura. Umaasa itong sa pamamagitan ng pamumuhunan sa mga infrastructure projects, babaguhin ang porma ng paglaki ng kabuhayan at mapapataas ang kakayahang kompetitibo ng kabuhayan nito.
Sa isang news briefing, ipinahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang pag-asa ng gobyerno na maisasakatuparan ang mas inklusibo at sustenableng paglaki ng kabuhayan sa pamamagitan ng pagplano muli ng modelo ng pag-unlad ng bansa. Ipinag-diinan din niya na ang pagpapataas ng kalidad ng mga proyekto ng imprastruktura ng bansa, ay susi sa pagbabago ng modelo ng paglaki ng ekonomiya.
Nitong ilang taong nakalipas, kapansin-pansin ang ipinakitang pag-unlad ng kabuhayang Pilipino. Ayon sa datos, noong isang taon, umabot sa 6.8% ang economic growth rate ng bansang ito na nasa unang puwesto sa limang (5) malaking ekonomy sa Timog Silangang Asya. Ngunit nitong 50 taong nakalipas, ang laang-gugulin sa imprastruktura ng bansang ito ay katumbas ng 2.6% lamang ng Kabuuang Halaga ng Produksyong Panloob (GDP). Ang mabagal na komunikasyon at lohistiko ay nakakapagpataas sa gastos ng produksyon at transportasyon, kaya ito'y naging malaking hadlang sa paglaki ng kabuhayan at pag-u-upgrade ng industriya ng Pilipinas.
Upang baguhin ang kalagayang ito, aabot sa 5.3% ng GDP ang proporsiyon ng laang-gugulin ng Pilipinas sa konstruksyon ng imprastruktura. Umaasa rin ang gobyernong Pilipino na sa taong 2022, itataas ang proporsiyong ito sa 7.4%.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |