Ipinahayag Mayo 24, 2017 ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, bagong halal na Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO) na ipagpapatuloy ng WHO ang patakarang "Isang Tsina," at maayos na hahawakan ang mga isyung may kinalaman sa suliranin ng Taiwan, alinsunod sa resolusyon ng Pangkalahatang Asemblea ng UN at WHO.
Winika ito ni Ghebreyesus nang katagpuin niya si Li Bin, Puno ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan at Pagpapaplano ng Pamilya ng Tsina , sa sidelines ng Ika-70 Komperensiya ng WHO.
Ipinahayag ni Ghebreyesus na patuloy na mapapalalim ang komprehensibong pakikipagtulungan ng WHO sa Tsina. Ipinahayag naman ni Li Bin ang pag-asang ipagpapatuloy ng Tsina ang pagtutulungan sa WHO sa ibat-ibang larangan.
Inihalal kamakailan si Ghebreyesus bilang bagong puno ng WHO, sa Ika-70 Komperensiya ng WHO.