Sa kanyang panamay sa Russian media kahapon, Linggo, ika-30 ng Hulyo 2017, sinabi ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na dapat bawasan ng 755 ang mga tauhan ng mga organong diplomatiko ng Amerika sa bansa. Ito aniya ay para maging halos magkapareho ang bilang ng mga tauhan ng mga organong diplomatiko ng dalawang bansa sa isa't isa.
Ipinahiwatig ni Putin, na ito ay hakbangin bilang tugon sa pagpataw ng Amerika ng bagong sangsyon laban sa Rusya.
Sinabi rin ni Putin, na maraming aspekto kung saan puwedeng magtulungan ang Rusya at Amerika, at kailangang magbigay ang Amerika ng positibong reaksyon sa mga proposal ng Rusya para sa pagtutulungan.
Salin: Liu Kai