Ayon sa pinakahuling datos ng Badan Koordinasi Penanamam Modal (BKPM), Investment Coordination Committee ng Indonesia, noong unang hati ng taong ito, ang aktuwal na bolyum ng pamumuhunan ng Tsina sa bansa ay umabot sa 1.96 bilyong US Dolyares. Ito'y mas malaki kumpara sa taong 2016.
Sinabi ni Tom Lembong, Tagapangulo ng BKPM, na ang pamumuhunan Tsino ay nasa mga larangang gaya ng imprastruktura at ore refining. Dagdag pa niya, nagsimula na ring dumami ang pamumuhunang Tsino sa larangan ng turismo at ibang mga labor intensive industry.