Ang nobelang A Dream of Red Mansions, isang sikat at klasikong akda sa kasaysayan ng literaturang Tsino, ay isinalin sa wikang Malay at inilimbag kamakailan sa Malaysia.
Nauna rito, inilimbag din ang tatlong sikat at klasikong akda ng Tsina na gaya ng Romance of the Three Kingdoms, Journey to the West, at The Water Margin.
Ipinahayag ni Goh Hin San, Tagapangulo ng Han Culture Centre ng Malaysia, na ang naturang mga nobela ay may mahalagang katayuan sa kasaysayan ng literaturang Tsino.
Sinabi pa niyang ang pagsalin ng naturang mga nobela sa wikang Malay ay makakatulong sa pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at Malaysia sa kultura. Ito rin aniya ay magpapalalim ng pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang basna.
Inialay din ni Goh sa Embahadang Tsino ang naturang 4 na nobelang Tsino sa wikang Malay.