Ayon sa Kawanihan ng Estadistika ng Indonesia, nitong nagdaang Hunyo, umabot sa 1.129 na milyon ang bilang ng mga turistang dayuhan na naglakbay sa bansa. Mas mataas ito ng 31.6% kumpara sa gayunding panahon ng taong 2016.
Kabilang dito, pinakamalaki ang bilang ng mga turistang Tsino na lumampas sa 160,000. Katumbas ito ng 14.2% ng kabuuang bilang ng mga turistang dayuhan.
Ang bilang ng mga turistang taga-Singapore ay nasa ikalawang puwesto na umabot sa 132,000 at katumbas ng 11.7% ng kabuuang bilang. Ang nasa ikatlong puwesto naman ay ang bilang ng mga turistang taga-Australia na umabot sa 108,000. At ang nasa ikaapat at ikalimang puwesto ay bilang ng mga turistang taga-Malaysia at taga-India ayon sa pagkakasunod.
Noong unang anim na buwan ng taong ito, mahigit 6.47 milyong person-time na turistang dayuhan ang nagbiyahe sa Indonesia.
Salin: Jade
Pulido: Mac