Sumatra, Indonesia-Nagbuga Agosto 2, 2017 ang Mount Sinabung ng hot ash na may taas na 4.2 kilometro sa himpawid.
Sa kasalukuyan, wala pang naiulat na kasuwalti sa mga mamamayan. Pero, apektado ng pagsabog ang libu-libong residente ng 10 kanayunang malapit sa Sinabung.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Sutopo Purwo Nugroho, Tagapagsalita ng National Disaster Mitigation Agency ng Indonesia, na idineklarang danger zone ang layong 7 kilometro mula sa Sinabung. Binalaan aniya niya ang mga taga-rito na huwag lumapit sa nasabing lugar.
Ang Indonesia ay isa sa mga bansa sa daigdig na maraming bulkan. Ang Sinabung ay isa sa 129 na active volcanoes ng bansa.