Naganap kamakailan ang malubhang baha sa gawing hilaga at hilagang-silangan ng Thailand, dahil sa Tropical Storm Sonca. Lumampas sa 1.2 milyon ang apektadong mamamayan.
Bilang purok na pinakamalubhang sinalanta ng kalamidad, nagsadya sa lalawigang Sakon Nakhon noong Agosto 2, 2017 si Punong Ministrong Prayut Chan-ocha ng Thailand para suriin ang kalagayan sa lokalidad, at ipadala ang mga tulong na material.
Ayon sa media ng Thailand, sapul noong Hulyo ng taong ito, sinalanta ang bansa ng malubhang baha, at 23 katao ang sinawing-palad at 2 iba pa ang nawawala.