Sa regular na preskon Martes, ika-25 ng Hulyo, 2017, ipinahayag ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Thai, na magkasamang magsikap at makipagkoordina sa isa't isa, para ipatupad ang proyekto ng konstruksyon ng daambakal sa pagitan ng Tsina at Thailand sa lalong madaling panahon.
Ani Lu, ang kooperasyon sa daambakal ay mahalagang proyekto ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan para sa Tsina at Thailand. Ito rin aniya ay mahalagang connectivity project ng dalawang bansa sa ilalim ng balangkas ng Belt and Road. Sa pamamagitan ng nasabing proyekto, maisasakatuparan ang malalimang pag-uuganayan ng pamilihang Tsino't Thai, at mapapasulong ang pag-unlad ng kabuhaya't lipunan ng Thailand, dagdag niya. Samantala, maisasakatuparan din nito ang breakthrough sa Trans-Asian Railway (TAR) network, at mapapasulong ang pag-unlad ng buong Indo-China Peninsula, maging ng rehiyon ng ASEAN, aniya pa.
Salin: Vera