Kaugnay ng pinakahuling resolusyon ng UN Security (UNSC), ipinahayag ngayong umaga, Agosto 6, 2017 sa Manila ni Wang Yi, Ministrong Panlabas ng Tsina, na napapaloob sa nasabing resolusyon ang dalawang mahalagang nilalaman: una, dapat mas mabisang mapigilan ang pagdedepelop ng Hilagang Korea sa sandatang nuklear at missiles; ikalawa, dapat mapanumbalik ang Six Party Talks at lutasin ang isyung nuklear ng Korean Peninsula sa mapayapang paraan.
Binigyang-diin ni Wang na ang naturang dalawang nilalaman ay magkasinhalaga at dapat sabayang maisakatuparan.