Pagkaraang ipatalastas ng Hilagang Korea ang muling paglulunsad ng isang intercontinental ballistic missile, ipinahayag ngayong araw, Sabado, ika-29 ng Hulyo 2017, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtutol ng panig Tsino. Aniya, ang aksyon ng H.Korea ay lumalabag sa resolusyon ng United Nations Security Council (UNSC) at unibersal na mithiin ng komunidad ng daigdig.
Sinabi ni Geng, na nakalakip sa resolusyon ng UNSC ang mga maliwanag na tadhana para sa mga aksyon ng paglulunsad ng H.Korea sa pamamagitan ng ballistic technology. Hinihimok aniya ng Tsina ang H.Korea, na sundin ang resolusyon ng UNSC, at itigil ang mga aksyong posibleng ibayo pang magpapalala ng tensyon sa Korean Peninsula.
Ipinahayag din niya ang pag-asa ng panig Tsino, na magiging maingat ang mga iba pang may kinalamang panig sa pagsasagawa ng mga hakbang sa naturang pangyayari. Ito aniya ay para iwasan ang paglala ng tensyon, at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito.
Salin: Liu Kai