Bilang tugon sa pagpapahintulot ng Timog Korea sa pagdedeploy ng Amerika ng 4 pang launcher ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system, ipinahayag ngayong araw, Sabado, ika-29 ng Hulyo 2017, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong diin na hinihimok ng kanyang bansa ang T.Korea at Amerika, na tumpak na pakitunguhan ang mga interes at pagkabahala ng panig Tsino. Aniya, dapat itigil ang mga gawain ng pagdedeploy at alisin ang mga naideploy na kagamitan.
Dagdag ni Geng, sa pamamagitan ng pagdedeploy ng THAAD, hindi malulutas ang pagkabahala ng T.Korea sa seguridad, o isyu ng Korean Peninsula. Ito aniya ay magpapasalimuot lamang ng mga isyu.
Salin: Liu Kai