Iniharap kamakailan ng pamahalaan ng Timog Korea ang mungkahi sa Hilagang Korea na idaos ang talastasang militar, pero, magkakasunod na ipinahayag ng Amerika, Britanya at Hapon na hindi pa ito ang tamang panahon para sa diyalogo, sa halip, dapat palakasin ang pressure sa Hilagang Korea.
Tungkol dito, ipinahayag kahapon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang diyalogo ay makakabuti sa paglutas sa isyu ng Korean Paninsula. Aniya, nagpalabas kamakailan mga may kinalamang panig ng positibong signal para sa pagpapabuti ng relasyon ng Hilaga at Timog Korea at pagpapahupa sa kalagayan ng Korean Paninsula. Dapat aniyang magbigay ng tulong ang iba't ibang may kinalamang panig, at huwag maglagay ng hadlang.
salin:lele