Kinatagpo kahapon, Biyernes, ika-4 ng Agosto, 2017, sa Naypyitaw, Myanmar, si Song Tao, Puno ng International Department ng Central Committee ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ni Aung San Suu Kyi, Pangulo ng National League for Democracy (NLD) ng Myanmar, at State Counsellor ng bansang ito.
Ipinahayag ni Song, na hinahangaan ng Tsina ang mga patakaran ng pamahalaan ng Myanmar na mapagkaibigan sa Tsina. Kinakatigan aniya ng Tsina ang prosesong pangkapayapaan at kaunlarang pangkabuhayan at panlipunan ng Myanmar. Dagdag pa niya, nakahanda ang CPC, kasama ng NLD, na palakasin ang pagpapalagayan.
Ipinahayag naman ni Aung San Suu Kyi, na lubos na pinahahalagahan ng Myanmar ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina. Pinasasalamatan aniya ng Myanmar ang Tsina sa pagkatig at pagbibigay-tulong sa kapayapaan at kaunlaran nito. Ipinahayag din niya ang pag-asang palalakasin ang kooperasyon ng NLD at CPC.
Salin: Liu Kai